Hidilyn Diaz MSME BDO Network Bank PH
Business

Hidilyn Diaz: Palaguin ang Small Business sa Tulong ng Good Loan

Bukod sa pagiging champion weightlifter, si Hidilyn Diaz ay isa ring micro-entrepreneur o maliit na negosyante. Sa isang interview, nakuwento niya kung bakit malaking tulong ang paglo-loan sa mga Overseas Filipino (OFs) na may negosyo.

“Okay lang ang mag-loan kasi it gives you the motivation to do well every month. Kapag alam mong may binabayaran ka buwan-buwan, pag-iigihan mo ang pagpapalago ng negosyo,” sabi ni Hidilyn.

Hindi maiiwasan na may mga ilang OFs at maging ang kanilang beneficiaries ang naniniwalang hindi maganda ang may utang. Kaya pati tuloy ang ipon o emergency fund na tinatabi nila ay nagagamit para patakbuhin ang negosyo. Ngunit ayon sa ilang financial experts, hindi dapat ginagalaw ang emergency fund. Mas wais ang mag-loan, lalo na kung ito naman ay “good loan”.

Good loan vs. bad loan

Bilang isang micro-entrepreneur, naging interesado si Hidilyn na dagdagan ang kanyang kaalaman sa entrepreneurship. Sa kanyang pag-aaral, mas naintindihan niya ang pagkakaiba ng good loan at bad loan.

Sa good loan, ang perang inutang ay makakatulong sa pagpapalago ng income at wealth. Ang halimbawa nito ay ang loan para mag-invest sa properties na tumataas ang halaga o value tulad ng bahay o lupa.

Ang bad loan naman ay ang loan para sa mga bagay na nagde-depreciate o bumababa ang value. Halimbawa nito ay mga sasakyan at gadgets.

Ayon kay Karen L. Cua, senior vice president at MSME group head ng BDO Network Bank, ang loan para sa negosyo ay isang halimbawa ng good loan. Kung ang loan ay gagamiting pandagdag sa pagbili ng stocks sa tindahan, pagbili ng equipment, o kaya’y para sa business expansion, makakatulong ito sa pagpapalago ng negosyo at kita.

Hidilyn Diaz MSME BDO Network Bank PH


Kabuhayan Loan para sa mga OFs at beneficiaries

Ang BDO Network Bank (BDONB), ang community bank ng BDO, ay may MSME loan o Kabuhayan Loan na dinisenyo para sa mga OF at kanilang mga kamag-anak na may negosyo.

Maaaring mag-loan ng PHP30,000 hanggang PHP1 milyon ang mga micro-entrepreneur na nais palaguin ang kanilang business. Dahil sa abot-kayang monthly installment options, hindi rin mahihirapan ang mga borrowers sa pagbabayad.

Paalala ni Cua, ang paglo-loan ay kailangang pinagpaplanuhan para maingatan ang credit status. Mainam na mag-loan lamang ng halagang kailangan para sa negosyo. Mas madali ring makapag-loan ulit kung nababayaran ito on time.

Para sa mga OF o kamag-anak ng mga OF na nangangailangan ng dagdag-pondo para mapalaki ang maliit na negosyo, bumisita lang sa pinakamalapit na BDO Network Bank branch, BDO Network Bank PH official Facebook page o sa BDO Network Bank website para mag-apply ng Kabuhayan Loan.

Views: 31

You may also like...

Leave a Reply