What Kids Should Know About Quezon City
Education

What Kids Should Know About Quezon City and Essay Writing Contest

Kamakailang inihayag ni Quezon City Joy Belmonte na sila ay magpapamigay ng libro na pinamagatang “What Kids Should Know About Quezon City” sa mga paaralan at sa mga kabataan ng lungsod.

Ang “What Kids Should Know About Quezon City” ay isang librong pambata na naglalayong magbigay kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Lungsod Quezon. Layunin din nito na maging isang inspirasyon at palalimin ang kamalayan ng mga kabataan sa mga kuwento ng Quezon City.

What Kids Should Know About Quezon City

Ang libro ay ipamimigay sa lahat ng aklatan ng mga pampublikong paaralan. Bukod pa rito, gumagawa ng paraan ang Lungsod Quezon upang maipamahagi rin ang libro sa digital na format.

Ang mga kwento na nakapaloob sa libro ay hango sa kasaysayan ng mga tao, lugar, at kaganapan na humubog sa Quezon City at, sa ilang pagkakataon, sa buong bansa. 

Nabuo ang “What Kids Should Know About Quezon City” kasama ang mga partner ng lokal na pamahalaan: ang QC Education Affairs Unit at ang Adarna House publishing.

What Kids Should Know About Quezon City Essay Writing Contest


Bilang bahagi ng paglunsad ng librong “What Kids Should Know About Quezon City” at ang pagdiriwang ng kaarawan ng dating pangulong Manuel L. Quezon, inaanyayahan ng QC government ang mga batang residente na sumali sa “Why I Love Quezon City: Essay Writing Contest.”

Ang mga batang taga-Quezon City na may edad 8-12 taong gulang ay maaaring sumali at ipasa ang kanilang sanaysay. Ang mga kalahok ay may pagkakataong manalo ng ekslusibong kopya ng librong “What Kids Should Know About Quezon City” at iba pang pa-premyo mula sa local na pamahalaan ng Quezon City, Jollibee, Bic Kids, at Disney’s Art Attack.

Updated Mechanics_0804


Para sa iba pang impormasyon tungkol sa libro at sa essay writing contest, maaaring puntahan ang: 

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=225386478666221&id=100824854638614&d=null&vh=e
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=345683453486085&id=100824854638614.

Hits: 142

You may also like...

9 Comments

  1. merrynell serrano says:

    wow , sana ganun din dito sa rizal 😔

  2. Michelle Anne Tumulak (Miyo Sheen) says:

    Wow! Salamat po sa namumuno ng Quezon City malakinh tulong po yang libro sa mga kabataan ngayon para madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa lugar ng Quezon City.❤ Super ganda din dahil libre lang ito ipinamimigay. Godbless you po!sana lahat ng lugar ganito ang kanila adhikain

  3. rominasen2012 says:

    Galing talaga nang mga taga QC kaya di aakalain na one of the best cities in the Philippines ih

  4. Jeng Manalo says:

    Ang ganda ng nakaisip ng ideang to ,contest with a purpose to mas mahahasa ang utak ng mga bata sa paggagawa at pag iisip kung saan nagmula ang QC.Mas pag iigihin nilang malaman at pahalagahan ang lugar ng QC.

  5. sosingerica says:

    Wow ang galing naman po neto, malaking tulong po eto Ms. Lou Lalo na po sa mga kabataan na walang Alam ngayon sa history ng QC. And one good thing po dahil Libre Lang po sya pinamimigay. Magandang adhikain din po eto na encourage mga kabataan ngayon na magbasa ng mga historical books ng ating bansa.😊 Good job Quezon City. Mahalin ang sariling wika at Bayan. 😊❤️

  6. MA D EL says:

    Malaking bagay ito sa mga kabataan Ng Qc..

  7. MA D EL says:

    Malaking bagay PO ito sa mga kabataan Ng Qc.Ang ganda Ng adhikain

  8. Lyka Mitra says:

    Magandang aktibidades to para sa mga kabataan ng Quezon city para mas marami silang malaman at matutunan sa Lungsod na kanilang tinitirhan..

  9. Jeanalyn Arador says:

    Happy to know this. Quezon City is one of the historical places here in the Philippines. And madami din itong population, masasabi ko ding sentro ito. Maganda tong activity na inilunsad ng QC para sa mga kabataan upang sila ay may pagkaabalahan habang nasa buhay ng sa gayon hindi na sila lumabas ng bahay. Maliban doon, napapractice nila ang kanilang kaisipan at natuto tungkol sa kasaysayan ng kanilang Lungsod.

Leave a Reply